Ang Lungsod ng Zamboanga at ang lalawigan ng Zamboanga del Norte ay babalik sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula bukas hanggang Oktubre 30, inanunsyo kahapon ng local pandemic task force.
Ang local Inter-agency task force against COVID-19 na pinamumunuan ni Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar ay nauna nang inaprubahan ang isang resolusyon na nagrerekomenda ng paglilipat sa MECQ ng lungsod at probinsya base sa kahilingan ng mga medical workers dahil ang mga COVID referral hospital ay nasa full capacity na.
Inatasan ng lokal na pamahalaan ang pulisya, militar at mga miyembro ng Barangay Task Force Sita na paigtingin ang kampanya laban sa mga quarantine violators. Ang mga face-to-face classes sa 10 isla at sa mga barangay, na ideniklarang high-risk ay nasuspinde. (By: Frances Pio)
