Share:

By Frances Pio

––

Sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo nitong Martes na nasa 1.3 milyong pamilyang Pilipino ang itinuturing na nakaahon mula sa matinding kahirapan at hindi na tatanggap ng conditional cash grant mula sa gobyerno.

Nagbibigay daan ito para makalikom ang gobyerno ng P15 bilyon para sa mga bagong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Iniulat ni Tulfo ang naging plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tanggalin ang mga benepisyaryo ng 4Ps kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikatlong pulong ng Gabinete nitong Martes, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles.

Ang bilang ng mga benepisyaryo na tatanggalin ay higit sa 25 porsiyento ng 4.4 milyong pamilya na tumatanggap ng conditional cash transfer, o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“This frees up P15B for other qualified persons to replace them and now be included in the 4Ps program,” sinabi ni Angeles.

Sa isang panayam sa telepono sa mga reporters, sinabi ni Tulfo na ginawa ng DSWD ang hakbang matapos siyang makatanggap ng “marching order” mula sa pangulo na suriin ang conditional cash transfer program na unang ipinatupad ng administrasyong Arroyo at pinalawak ng administrasyong Aquino.

Sinabi niya na ang DSWD ay nag-iimbestiga ng 600,000 pang mga kabahayan upang matukoy kung sila ay kuwalipikado pa rin na makinabang sa programa, na nagbibigay ng pera sa pinakamahihirap na mga pamilya upang makatulong na mapanatili ang mahahalagang nutritional needs, panatilihin ang pag-aaral ng mga bata at makakuha ng pangunahing mga pangangailangan sa kalusugan.

Leave a Reply