Share:

By Frances Pio

––

Patay ang isang babaeng Commission on Election officer nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Isabela City, Basilan bandang alas-3 ng hapon noong Martes, Hulyo 19.

Kinilala ang biktima na si Ruayna Edris Sayyadi, election officer ng Bayan ng Albarka sa Lalawigan ng Basilan.

Nasa labas umano si Sayyadi ng satellite office ng Albarka sa Barangay Doña Ramona, Isabela City nang barilin siya ng gunman sa likod.

Nakatakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo. Idineklarang dead on arrival si Sayyadi sa Basilan Community Hospital.

Ipinag-uutos ni Atty. Roberto dela Peña, Provincial Election Supervisor, na ang lahat ng election officers sa Basilan ay magpatupad ng mahigpit na security measures para hindi sila maging biktima ng karahasan.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng pursuit operations ang pulisya laban sa pumatay kay Sayyadi.

Leave a Reply