Share:

By Frances Pio

––

Lumampas na sa 100,000-mark ang dengue infection sa bansa para sa 2022 matapos sabihin ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na nakapagtala na ito ng 102,619 na kaso mula July 30, 2022.

“Cumulatively, cases this year are 131 percent higher compared to the reported cases during the same period in 2021 [which was at] 44,361,” ayon sa DOH.

Ayon sa DOH, karamihan sa mga kaso ay naiulat mula sa mga sumusunod na rehiyon:

Central Luzon – 18,664
Central Visayas – 10,034
Metro Manila – 8,870

Samantala, sa kamakailang apat na linggo, mula Hulyo 3 hanggang Hulyo 30, 23,414 na kaso ang naitala, kung saan ang mga sumusunod na rehiyon ay nakapagtala ng pinakamaraming impeksyon:

Central Luzon – 5,838
Metro Manila – 2,689
Calabarzon – 2,369

Sa panahong ito, 9 sa 17 rehiyon (Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera Administrative Region, at Metro Manila) ay lumampas sa epidemic limit sa nakalipas na apat na linggo, kasama ang Mimaropa at Western Visayas na nagpapakita ng patuloy na pagtaas.

Leave a Reply