By Frances Pio

––

Isang bus na may sakay na 31 pasahero ang nahulog sa bangin sa Sayre Highway, Mangima, Barangay Tankulan, Bayan ng Manolo Fortich sa Bukidnon Sabado ng gabi, Agosto 13.

Walang naiulat na nasawi, at lima lamang sa 31 na pasahero ang nagtamo ng minor injuries, ayon kay Police Senior Master Sergeant Larie Eco, imbestigador mula sa Manolo Fortich police.

Batay sa ulat ng Manolo Fortich Police, galing sa Cagayan de Oro City ang bus na minamaneho ni Tommy Magno ng San Andres, Barangay Bunawan, Agusan del Sur at patungong Davao City.

Habang nagmamaneho sa isang pababang kurbadang kalsada sa Brgy. Tankulan sa Bayan ng Manolo Fortich, nag-malfunction ang preno ng bus, na nagresulta sa pagkawala ng kontrol ng driver sa bus at nahulog sa bangin.

Lahat ng mga pasahero ay dinala sa Bukidnon Provincial Hospital Annex sa San Miguel sa Manolo Fortich para sa agarang medical attention.

Leave a Reply