Share:

By Aj Lanzaderas Avila

2 motorista ang patay matapos mahulog mula sa flyover at bumagsak sa riles ng MRT-3 sa pagitan ng istasyon ng Magallanes at Taft noong Hunyo 13.

Dahil sa insidente, minabuti ng pamunuan ng MRT-3 na pansamantalang itigil ang operasyon ng mga tren ganap na 6:37 p.m. noong araw ng Linggo.

Wala ng buhay ang dalawa nang datnan ng mga emergency personnel na nakahandusay sa riles ng tren habang nakita naman ang dalawang helmet ‘di kalayuan sa kanilang mga katawan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang dalawang nasawi ay sakay ng motorsiklo patungong kanluran sa takbong 70-75 kph bago sila mahulog sa flyover, ayon sa saksi.

Agad namang dumating ang PNP-SOCO upang imbestigahan ang nasabing insidente.

Ayon naman sa Pasay PNP, patuloy din silang nagiimbestiga sa naturang aksidente na nagresulta sa pagkasawi ng motoristang magka-angkas.

Leave a Reply