Share:

Inanunsyo na ng streaming service na Netflix ang pagbabalik sa ikalawang season ng hit korean drama series na “Squid Game.” 

Buwan ng Setyembre nang namayagpag ang serye kung saan kinilala pa itong “most-viewed” drama series sa naturang streaming company. 

Sa patikim ng Netflix, muli nilang ipinakita ang higanteng manika na kinatakutan sa serye, anya, “On your Mark. Get set. Green light. Squid Game continues.”

Bukod pa rito, mas idinetalye ng writer-director at executive producer ng serye na si Hwang Dong-Hyuk ang mga aabangan sa second season sa isang letter card. 

“It took 12 years to bring the first season of ‘Squid Game’ to life last year. But it took 12 days for ‘Squid Game’ to become the most popular Netflix series ever.” 

 “As the writer, director and producer of ‘Squid Game,’ a huge shout out to fans around the world. Thank you for watching and loving our show.”  

Ayon kay Hwang, magbabalik sa show ang bidang si Seong Gi-hun o si Lee Jung-jae sa tunay na buhay at ang ang Front Man na si Lee Byung-hun. 

Maari rin daw bumalik ang karakter na ginampanan ng korean super star na si Gong Yoo, ang lalaking may ddakji at nag-alok sa karakter ni Jung-jae na maglaro sa Squid Game. 

Dagdag pa ni Hwang, ipapakilala rin sa palabas ang ‘boyfriend’ ng higanteng manikang killer. 

 “Join us once more for a whole new round,” ani Hwang. 

Walang pang pormal na anunsyo kung kailan ipapalabas ang second season ng show, pero ayon sa nauna ng pahayag ni Hwang, maaring maipalabas ito sa katapusan ng 2023 o unang bahagi ng 2024. 

Leave a Reply