By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa pulisya ng Antipolo City, nauwi sa barilan ang isang inuman noong Martes, Marso 7, na nagdulot ng pagiging sugatan ng dalawang biktima.
Isa sa mga biktima ng pamamaril sa Barangay Dela Paz ay nasa kritikal ang lagay dahil sa naiwang basyo ng bala ng baril sa baga nito, habang ang isa naman ay sugatan.
Natanggap ng naturang pulisya bandang alas-5:20 ng hapon ang tawag patungkol sa insidenteng barilan.
Binarikadahan ng mga awtoridad, kasama ang SWAT Team at si Antipolo police chief Lt. Col. June Abrazado, ang bahay ng suspek matapos mapag-alaman ang insidente.
Sumuko rin nang mapayapa ang suspek ngunit nagkulong sa loob ng bahay at nagmatigas muna ito noong una at tumangging lumabas.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nagkainitan muna ang mga magkakainuman na sina Gregorio Leis, Quirino Santos, at June Galimba dahil sa pagtatalo nito bago pa kuhanin ng suspek na si Galimba ang baril sa kanyang kuwarto.
Napag-alaman din, ani Abrazado, na kamakailan lamang naging magkaibigan ang mga sangkot sa insidente.
Aniya, nagkakilala ang suspek at ang mga biktima sa “hobby ng biking,” pero ang suspek ay may mabigat palang pinagdadaanan.
“Si suspek natin may pinagdadaanan at hiniwalayan siya ng kanyang asawa,” anang hepe
Narekober naman ng mga awtoridad ang caliber .22 pistol, .9mm pistol, at mahigit 20 bala ng noong dalawa ng baril.
Hindi naman nabanggit sa ulat kung may mga government permit ang mga baril na narekober mula sa suspek.
Nakadetine na si Galimba at nahaharap sa kaukulang kaso.
