MAYNILA – Nitong Miyerkoles, Marso 8, sinabi ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na malapit nang maisarado ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito ay matapos niyang sabihin na ang mga inarestong suspek ay mayroong video recording ng diumanong mastermind sa pagpatay kay Degamo.

“I only have read the preliminary statements that were done and I can say that the end is near,” ani Remulla.

“Malapit na ho itong masarado except for that all the perpetrators have not been rounded up. Pero there are a few more people that we have to round up,” dagdag pa ng Kalihim.

Tumanggi namang magbigay ng iba pang mga detalye si Remulla ngunit aniya, itinuturo na ang mastermind.

“I will not, I cannot confirm any details as of now. Mahirap magbigay ng detalye pa. Sinasabi ko lang that a mastermind is being pointed to already,” aniya.

Dagdag pa ni Remulla, mayroong “probative value” sa patuloy na imbestigasyon.

“Alam niyo naman ngayon nag-pandemic, we were all on video, we were all speaking on video,” anang naturang Kalihim sa isang panayam.

Aniya, itatalaga ang mga abogadong kakatawan sa mga suspek.

Tinanong din si Remulla kung nakausap na nito si Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves, isa sa mga inireklamo kamakailan kaugnay ang mga insidenteng pagpatay noong 2019, pero hindi raw nakausap ni Remulla ang naturang mambabatas.

Leave a Reply