Share:

By Frances Pio

––

Nasa 30 bahay ang naabo sa sunog sa Zone 1, Barangay Kaumpurnah, Isabela City, Basilan Province noong Martes ng hapon, Hunyo 14.

Sinabi ni Isabela City Fire Marshal F/Sr. Insp. Edgar Quitoy na nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Neyla Abdulkadil at kumalat sa mga katabing bahay na gawa sa light materials.

Nahirapan ang mga bumbero na makarating sa apektadong lugar dahil sa makikitid na mga daanan at eskinita.

Nakontrol ng mga bumbero ang apoy bandang ala-1:15 ng hapon.

Tinatayang nasa P600,000 ang pinsala sa mga ari-arian.

Inatasan ni Isabela Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman ang City Social Welfare and Development office na agad na magsagawa ng imbentaryo ng mga apektadong bahay para sa tulong.

Agad na namahagi ng relief packs ang Isabela City Disaster Risk Reduction and Management Office sa 55 pamilyang naapektuhan ng sunog.

Leave a Reply