By: Margaret Padilla

Gagampanan ni Karylle Tatlonghari, isang mang-aawit ng Kapamilya at Showtime TV host, ang iconic role ni Baroness Elsa von Schraeder sa musikal na ‘The Sound of Music.

Sa kuwento, si Baroness Elsa von Schraeder ay isang balo na kabilang sa mataas na lipunan sa Vienna. Ang kanyang karakter ay ang ehemplo ng katalinuhan, kaakit-akit, mayaman, at classy.

Sina Baroness at Captain Von Trapp ay nagde-date nang dumating ang pangunahing tauhan na si Maria. Inaasahan ng babae na pakasalan siya ng kapitan sa lalong madaling panahon, ngunit hindi niya kasundo ang mga anak nito. 

Ayon sa Philstar News, ang The Sound of Music, isang musical na hango sa memoir ni Maria von Trapp, ay gaganapin sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati mula Marso 7 hanggang 26.

Samantala, ang Broadway International Group at Broadway Asia ay nagsabi na sila ay “absolutely thrilled” na makasama si Karylle para sa Broadway musical’s Manila season, ayon sa theatric producer na si Marc Routh.

Gayundin, gaganap rin ang theater actor na si Markki StroemRolf bilang delivery boy, si Rolf.

“Having done many shows in Manila over the years with stars like Lea Salonga in Cinderella, Filipinos are known around the world for their spectacular talents—so when given the opportunity for us to cast two roles out of the Philippines, how could we say no?” ang pahayag ni Routh.

Nagpahayag ng pananabik ang producer na makita ang dalawang gampanan ang kanilang mga papel sa musical. Malaki ang tiwala nila sa kanilang kakayahan bilang performers, at hindi na sila makapaghintay na makita sila sa entablado sa harap ng mga Filipino audience.

Leave a Reply