Hinahanap na ang mga nakasalamuha ng dalawang OFW na nagpositibo sa Indian COVID-19 variant.
Kabilang dito ang mga indibidwal na nakaupo malapit sa lugar ng dalawang nagpositibo, gayundin ang mga pasahero na nagpositibo sa COVID matapos bumalik sa ating bansa ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire.
“We are tracing all of them and checking all of their statuses,” ani niya.
“The protocols were followed and hopefully, hindi po tayo nagkaroon ng (we did not have) breaches in protocol,” dagdag pa niya.
Ang isa sa nagpositibo sa Covid na mula sa Oman ay sinasabing mayroong close contact sa 6 na indibidwal at ang mula naman sa UAE ay mayroong 35 close contacts.
“Lahat ng taong ito ay subjected to protocols. They were tested on the 5th or 6th day,” ani Vergeire
Samatala, hindi na rin muna maaaring makapasok sa ating bansa ang mga indibidwal na magmumula sa Oman at UAE simula sa Mayo 15 hanggang sa katapusan ng buwan.