Share:

Muling ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng truck ban policy sa EDSA at sa iba pang mga pangunahing daanan sa Metro Manila simula Mayo 17 ngayong ang NCR Plus ay muling ililipat sa general community quarantine mula Mayo 15 hanggang Mayo 31.

Sa ilalim ng existing truck ban policy, ang mga trucks ay pinagbabawalan na bumiyahe sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila simula 6 ng umaga hanggang 10 ang umaga at 5 ng hapon hanggang 10 ng gabi, Lunes hanggang Sabado.

Ang truck ban ay ipapatupad sa EDSA, simula Magallanes Interchange sa Makati hanggang North Avenue sa Quezon City, 24 oras mula Lunes hanggang Linggo.

Ngunit, sinabi din ng MMDA na ang mga trucks na may kargang perishable at agricultural foodstuffs ay exempted sa ban.

Leave a Reply