Share:

By Frances Pio

––

Inaasahang maiimprenta ng Commission on Elections (Comelec) ang 91.5 milyong balota para sa botohan ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa Disyembre 2022.

“If it pushes through, voters for the barangay elections will reach 67,061,585. As for the SK voters, which is composed of the 15 to 17 years old and the 18 to 30, it will reach 24,457,363,” sinabi ni Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco.

“All in all, we will be printing 91,518,958,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag ni Laudiangco kung bakit mas marami ang mga balota na kanilang iimprenta para sa BSKE kaysa noong nakaraang Mayo 9 na botohan.

“It’s more than the May elections because the SK voters, the 18 to 30 years old, will receive two ballots, one for regular barangay and SK,” ayon kay Laudiangco.

Sinabi ng poll official na inaasahan nilang sisimulan ang pag-imprenta ng National Printing Office (NPO) sa Quezon City ng hindi lalampas sa kalagitnaan ng Setyembre.

“We need to finish it because we still need to check the ballots…we need to allot time to check and verify if the ballots are correct,” ika niya.

Aniya, kailangan nilang suriin kung may bahid ang balota o may mali itong spelling bukod sa iba pa.

“Factoring all these, printing, verification, deployment, we should start mid September,” ayon kay Laudiangco.

Leave a Reply