Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inihain ni Senator Raffy Tulfo ang isang panukalang batas na naglalayong gamitin ang “health rating system” sa mga label ng mga produktong pagkain.

Base sa pagpapaliwanag sa Senate Bill No. 1684, ang naturang sistema na ilalagay sa mga packaging ng mga produktong pagkain ay karagdagan sa standard nutritional facts label.

Saklaw naman ang lahat ng mga produktong pagkain na nabibili, maliban sa mga sumusunod:

  • Fresh unpacked food
  • Condiments
  • Non-nutritive foods
  • Single-ingredient foods not intended to be eaten on their own
  • Alcoholic beverages
  • Formulated products for infants and young children
  • Food for special medical purposes

“The Health Rating System will be calculated based on the food’s nutritive value which includes the total energy or kilojoules (kJ), saturated fat, sodium, sugar content, and fiber,” saad sa explanatory note ng naturang panukalang batas.

“This approach aims to arm Filipinos with the necessary information on the nutritional content of the food they choose to consume on a daily basis and in turn iessen their susceptibility to life-threatening diseases,” dagdag pa nito.

Kikilalanin namanito bilang “Health Rating Label Act,” ayon sa inihaing panukala ni Tulfo.

Leave a Reply