Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ikinasal na ngayong mismong Valentine’s Day ang celebrity cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa kanyang kasintahan na si Christopher Quimbo.

Sa isang Instagram post ng bridesmaid ni Gosiengfiao na si Verniece Enciso, ibinahagi ang ilang mga larawan mula sa kasal ng magkasintahan.

Elegante at napakagandang puting wedding gown ang isinuot ng cosplayer sa kanyang kasal na base sa post naman ni Rada Scars, isang gaming video creator, ay ginanap sa Marriott Grand Ballroom sa Lungsod ng Pasay.

“Congratulations to the newlyweds,” pagbati ni Scars sa bagong kasal sa pamamagitan ng Facebook post.

“I am so happy for the two of you, and I wish you a lifetime of happiness. The day was magical, and it was wonderful to see how the two of you were united by love!” saad pa niya.

Nakita ring dumalo sa kasal ni Gosiengfiao ang kapwa nito cosplayer na si Myrtle Sarrosa.

Matatandaang na-engage si Alodia kay Christopher, ang presidente at general manager ng Calabria Company Limited, noong July 2022

Leave a Reply