By Christian Dee
MAYNILA – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office na isang senior citizen ang nagwagi sa Lotto 6/42 grand prize na nagkakahalagang mahigit P35-milyon.
Ang senior citizen na babae na masuwerteng nanalo sa naturang grand prize ay mula sa Davao Del Sur, ayon sa anunsyo ng PCSO nitong Martes, Pebrero 14.
“She claims she has never worked in her life because she needs to care for her family, including her grandchildren. Her only source of income is his late husband’s SSS pension. Every Sunday, she serves as a lector commentator at church,” ayon sa pahayag ng PCSO.
34-24-02-06-33-07 ang mga kombinasyon ng mga numerong lumabas noong Enero 17, 2023 na tinayaan ng 63-anyos na babae sa isang lotto outlet sa Davao City.
Kuwento ng senior citizen sa isang panayam, madalas na tinatayaan niyang mga numero ang 07 at 02 dahil sa kanyang kaarawan, July 2.
Ang iba pang mga numerong lumabas ay pumasok na lamang sa kanyang isipan.
“Ngayon ko lamang po tinaayan ang kumbinasyong ng mga numero na ito,” anang Grand Lotto jackpot prize winner.
Base naman sa Tax Reform Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law, 20 porsyentong buwis ang awtokmatikong ibabawas mula sa napanalunang premyo.
Pinaalalahanan din ng PCSO na dapat ma-claim sa loob ng isang taon ang napanalunang premyo mula sa date of draw o petsa kung kailan nabunot ang mga numero.
“The agency reminds winners to secure their tickets and write their name and signature at the back. It must not be wrinkled, folded, or even have a single tear on it. The bar code must not be damaged, as it is an essential component of the ticket for validation. The lotto terminal should be able to read the bar code,” dagdag na paalala pa ng PCSO.