By Christian Dee

MAYNILA – Ipinakita na sa Instagram post nitong Huwebes, Oktubre 20, ng bagong bagong mommy na si Angelica Panganiban ang nakakagiliw na mukha ng anak nila ng kaniyang non-showbiz partner na si Gregg Hooman.

Hello world! It’s been a month… mom and dad are finally ready to share me with you. So, here i am,” ani ng sikat na aktres sa retrato ng anak na pinost.

Unang buwan ng kanilang unang supling ngayong araw.

Matatandaang ipinanganak ang sanggol noong ika-20 ng Setyembre. Ipinasilip din ni Panganiban ang kaniyang anak noong nakaraang buwan at ipinakilala ang pangalan nito na Amila Sabine Hooman.

Ani Anne Curtis sa kaniyang komento, hindi sila makapaghintay ng kaniyang anak na si Dahlia na makita si baby Amila.

Ilan rin sa mga kaibigan ni Angelica sa industriya ng showbiz ang nagbigay ng komento gaya nina Bea Alonzo, Enchong Dee, Glaiza De Castro, Ryan Bang, Sunshine Garcia at Iza Calzado.

Leave a Reply