By Christian Dee
MAYNILA — Nitong Miyerkoles, Oktubre 19, sinabi ni Senator Francis Tolentino na si Lloyd Christopher Lao, dating officer-in-charge ng Department of Budget and Management’s Procurement Service, ay sumubok na pumunta sa ibang bansa kahit kabilang ito sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration.
Nabanggit ni Tolentino na sa Singapore nito sinubukang pumunta noong nakaraang buwan.
“I was informed that there was an attempt last month to (fly to) Singapore but he was intercepted at the Immigration,” ani ng senador.
Ipinunto ng Senate Blue Ribbon Chairperson na karamihan sa mga senador na kabilang sa panel ay tinanggihan ang hiling ng dating OIC na mabigyan ng travel clearance.
Sinabi rin ni Tolentino na hindi pinayagan si Lao na makapag-travel sa ibang bansa dahil kailangan nitong dumalo sa mga pagdinig sa kumite ng blue ribbon sa pagkuha ng Kagawaran ng Edukasyon ng mamahalin umano at outdated na mga laptops.
“His attendance is being required relative to this laptop deal,” ani Tolentino.
