By Margaret Padilla 

Ipinaliwanag ni Senator Jose “Jinggoy” Estrada sa mga mamamahayag nitong Miyerkules na walang planong ipagbawal ang mga pelikula at programa sa telebisyon na ginawa ng mga Koreano at ibang bansa, at ang kanyang unang pahayag ay nasabi lamang niya dahil sa pagkadismaya sa mga Pilipino.

Wala naman, wala naman,” paglilinaw niya sa isang panayam sa telepono nang tanungin kung susubukan niyang ipagbawal ang Korean entertainment sa bansa. “Nasabi ko lang iyon dahil sa frustration,” dagdag niya.

Ayon kay Estrada, ang kanyang pahayag (kahapon) ay bunsod ng kanyang pagkadismaya na ang mga Pilipino ay masyadong masaya na i-promote ang industriya ng entertainment ng South Korea ngunit hinayaan nilang bumagsak ang local film industry ng Pilipinas dahil sa kawalan ng suporta mula sa movie-going public.

Mahal ko lang  ang sariling atin, ang mga Filipino. Pinoprotektahan ko lang ‘ang ating mga artista na hindi nabibigyan ng (opportunity) upang maipakita naman nila ng kanilang galing sa pag-arte,” aniya.

Noong Martes, sinabi ni Estrada sa harap ng budget deliberation ng Senado para sa Film Development Council of the Philippines na ikinokonsidera niyang irekomenda ang pagbabawal sa mga pelikula at palabas sa TV na gawa sa ibang bansa, tulad ng Korean drama series, para suportahan ang mga palabas sa Filipino.

Pag patuloy tayo nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan ay itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita ‘ang ating mga artistang Pilipino,” he said. 

Sa halip, nawawalan ng trabaho ang mga lokal na artista dahil pinapaboran ng mga Pilipino ang mga palabas at artistang Koreano, ayon sa senador.

Kaya minsan pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovela ng mga foreigner at dapat ang mga artista nating Pilipino, na talagang may angking galing sa pag-arte, ay ‘yun naman dapat ang ipalabas natin sa sariling bansa natin,” dagdag pa niya. 

Ipinahiwatig ng dating actor-turned-politician na naniniwala siyang ang mga pelikulang gawa sa Filipino at mga palabas sa TV na pinagbibidahan ng mga lokal na performer ang dapat na ipalabas sa bansa.

Samantala, binatikos ng mga netizen si Estrada sa kanyang mga pahayag at nitong Miyerkules, nag-viral ang pangalan ng senador sa Twitter at iba pang social media platforms.

Ang beteranong mamamahayag na si Raissa Robles ay nagsalita sa Twitter sa kanyang reaksyon, “Jinggoy wants to ban Korean teledramas? But not Hollywood movies?

Isang netizen rin ang nag tweet na, “Dig into the reasons why our shows are not garnering the viewership that K-dramas have. You’re an artist, right? You should know what sells or not. Look at shows like Maria Clara (at Ibarra). Why is it a hit? This is so fickle-minded.” 

I’m for ‘Let’s promote Filipino projects’ but banning KDramas will not solve the film industry’s problem,” ang pahayag naman ng isa pang netizen sa Twitter. “If he sincerely wants to help the Film industry, craft laws that will support the industry. Government support is what they need and that’s what Korea is doing.”

Maybe Jinggoy Estrada should question [Rodrigo] Duterte on why his administration killed the ABS-CBN franchise instead of concluding that these Kdramas are stealing jobs and income from the PH entertainment industry. What a bunch of wack politicians!” ang komento pa ng isa pa. 

Samantala, mabilis namang nag viral ang tweet ni Chito Miranda, “targeting foreign shows or acts is not the solution for the lack of support towards local shows and artists. Coming up with better shows and songs, is. As artists, kelangan lang natin galingan mas lalo para sabay tayo sa foreign acts.”

“‘Earn’ the support. Di pwedeng sapilitan,” dagdag pa ng vocalista ng OPM band na Parokya ni Edgar. 

We watched American television shows on Philippine channels. Politicians didn’t seem to have a problem with them. It didn’t ‘kill’ the PH entertainment industry,” ang pahayag naman ni Nuelle Duterte sa Facebook.

“What’s with ex-con Jinggoy’s obsession with Kdramas? Racism? Because it sure isn’t about their concern for the industry. Look how they took ABS-CBN off the air,” dagdag pa ng pamangkin ng dating pangulong Rodrigo Duterte. 

Isa pang netizen ang nagpost ng kanyang komento sa Facebook, “Bakit sobrang lakas ng k-dramas, di lang dito sa Pilipinas, pati na rin sa buong mundo? Kasi maganda ang ibinibigay na suporta ng gobyerno ng Korea sa entertainment industry nila. Kaso dito po sa atin, sa halip na tulungan ng gobyerno ang mga content creators at (film and) TV industry natin, nagpasara pa ng isang TV network.” 

Samantala, ayon pa rin kay Estrada, nais niyang matulad ang sigasig ng mga Filipino sa pagtangkilik sa mga dayuhang artista upang suportahan ang mga artistang Filipino na pinaniniwalaan niyang world-class din.

(Photo: Office of Senator Jinggoy Ejercito Estrada/ Rey Javelosa)

Leave a Reply