By Christian Dee
MAYNILA – Ginanap ang V-League sa Paco Arena sa Maynila nitong Miyerkoles, Oktubre 19. Tinalo ng mga manlalaro mula sa Ateneo de Manila University ang San Sebastian College nang straight set, 25-19, 25-19, 25-14.
Pinangunahan naman ni Faith Nisperos ang pagkapanalo ng team nang pumuntos ito ng 18 points. Sinundan naman nina Vanie Gandler na nakapagbigay ng 14 points, Lyann de Guzman na may 10 points at si Joan Narit na may 8 points naman.
Kinailangan lang ng Lady Eagles ng 78 na minute upang tapusin ang tatlong set ng laban kontra San Sebastian.
Samantala, ayon sa coach ng naturang team na si Oliver Almadro, marami pa silang dapat trabahuin.
“We still have to polish many things. Baste (San Sebastian) is a very good team, lumamang lang kami ng konti sa rotation ng tao,” he said. “But we are preparing for bigger games, not just in the V-League but also in the UAAP. So, we really need to work on so many things,” ani Almadro.
