By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Miyerkoles, Oktubre 19, nilinaw ni Sen. Jinggoy Estrada ang kaniyang pahayag ukol sa pagmumungkahi nitong i-ban ang mga K-drama matapos umani ng maraming reaksyon mula sa mga netizens at mga tagahanga.

Ayon sa senador, nagmula ang kaniyang pahayag isang “frustration”.

My statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the moviegoing public,” ani Estrada.

Inamin ni Estrada nitong Martes sa isang budget deliberation na pumasok sa isip niya ang pag-ban ng mga palabas mula sa mga dahuyan dahil sa epekto nito sa mga Pilipinong manonood.

Aniya, ang hahanagaan ng mga Pilipino kapag nagpatuloy ang pagpapalabas ng mga Korean telenovela sa bansa ay ang mga dayuhan.

Kapag patuloy tayo nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan ay itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita ‘yung artistang Pilipino… Kaya minsan, pumapasok sa aking isipan na i-ban itong mga telenovela ng mga foreigner,” sabi ni Estrada.

Umani ito ng kritisismo at mga komento sa iba’t ibang social media.

Isa naman sa mga nagbigay ng reaksyon ay si Cavite Governor Jonvic Remulla.

Sabi ni Remulla sa isang tweet, “The people should be given the freedom to choose which entertainment content they want.”

“Hindi kailangan ng ban. Ang kailangan buksan ng malawak ang pag-iisip,” dagdag ng gobernador.

Inamin din ni Remulla na isa siya sa mga umiidolo sa mga Kpop at mga KDrama.

Giit din ng politiko na ang isa ang mga Koreano sa mga tumutulong sa pagtaas ng tourist arrivals sa bansa. Mahal ng mga ito aniya ang ating bansa at mahal din ng mga Pilipino ang kanilang ‘world class entertainment’.

Leave a Reply