By: Francis Pio
Dinagdagan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu ang alokasyon ng rebuilding assistance na kanilang ibibigay sa mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa Bagyong Odette (Rai).
Inihayag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na ang bawat benepisyaryo ng rebuilding assistance na pinondohan ng probinsiya ay makakakuha na ng P8,000 sa halip na P5,000.
Sinabi ni Garcia, sa isang press conference kamakailan, na ang karagdagang pondo ay para lamang sa mga residente na ang mga bahay ay ganap na nasira sa pananalasa ni Odette.
