By Christian Dee
MAYNILA – Nitong Biyernes, Oktubre 21, inilabas na ni Taylor Swift ang kaniyang bagong album na may 13 na awitin. Maaring pakinggan ang mga ito sa iba’t ibang mga digital music service at iba pang plataporma.
Nag-post din ang singer sa Instagram at nagbigay ng mensahe para sa tumulong na bumuo nitong album na pinamagatang “Midnights”.
Aniya sa kaniyang mensahe, “Midnights is a wild ride of an album and I couldn’t be happier that my co pilot on this adventure was @jackantonoff. “
Sinabi ni Swift na si Jack Antonoff ay kaibigan niya habambuhay at ipinabatid din ng singer na halos isang dekada na silang magkatrabaho sa sa paggawa ng musika.
Paliwanag din niya na ito ang kauna-unahang album na nalikha nilang dalawa ni Antonoff.
“This is our first album we’ve done with just the two of us as main collaborators. We’d been toying with ideas and had written a few things we loved, but Midnights actually really coalesced and flowed out of us when our partners (both actors) did a film together in Panama,” saad ng singer.
Ibinahagi din nito ang kanilang karanasan sa paglilikha nito.
“Jack and I found ourselves back in New York, alone, recording every night, staying up late and exploring old memories and midnights past,” ani Swift.
Kaugnay nito, sinabi rin ng singer na masuwerte silang nakatrabaho ang iba pang mga tumulong, “We were so lucky to also work with our brilliant collaborators @sam_dew, @sounwave, Lana Del Rey, @jahaansweet, @keanubeats, William Bowery, and @zoeisabellakravitz. @sharp_stick was our excellent engineer. The wonderful and wise @bethgarrabrant took the album photographs.”
“Midnights is a collage of intensity, highs and lows and ebbs and flow. Life can be dark, starry, cloudy, terrifying, electrifying, hot, cold, romantic or lonely. Just like Midnights. Which is out now,” paglalarawan ni Swift sa kaniyang bagong album.
