By Christian Dee

ARTICLE #5

Retrato ni Bitoy kasama ang mga anak nag-trending

MAYNILA – Nag-trending ang larawang pinost ng isang actor at komedyanteng si Michael V. o kilala rin bilang “Bitoy,” kasama ang kaniyang mga anak na sina Migo at Brianna.

Napansin ng netizens ang kanilang pagiging magkakahawig nang makita ng publiko ang kanilang retrato sa iba’t ibang social media platforms.

Yung mas Bitoy pa yung anak ni Bitoy,” isa sa mga patok na reaksyon ng mga netizens.

Ani Bitoy ayon sa ulat sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkoles, “Naapektuhan siya eh, ‘yung anak ko. So pagka nakita mo ‘yung profile pic niya, binago niya, palagay ko nga… Hindi, mas pogi siya eh.

Mayroon pang nasabing maaring gampanan ng mga anak ni Michael V. ang segment ng actor sa “Bubble Gang” na “Bitoy, Itoy at Bebang.”

We’ll see. Si Brianna kasi, ‘yung isang katabi ko na babae, siya nag-guest na sa Bubble Gang and ngayon nasa Start-Up siya. So, hindi natin alam. Sila, hinahayaan ko kung ano ang trip nila talaga sa buhay, pero palagi, ang priority ay school. Mag-aral muna kayo, magtapos kayo, and then you can do whatever you want,” dagdag ng komedyante.

Leave a Reply