By: Jen Lopez

Binibigyang pahintulot na ng pandemic task force ng gobyerno ang mga kolehiyo at unibersidad na magsagawa ng mga face-to-face classes sa mga lugar na nasa antas ng alert level 1.

Ngunit ang mga mag-aaral at kawani ng akademiko na ganap na nabakunahan lamang ang pahihintulutang pumasok sa lugar ng paaralan. Kung saan ito inihayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Resolution No. 164.

Dagdag pa rito ng IATF, ang mga estudyanteng hindi pa fully vaccinated ay mananatili sa flexible learning modules.

Sa ngayon, walang mga paghihigpit sa operasyon ng mga dormitoryo ng paaralan. Ngunit obligado ang mga kolehiyo at unibersidad na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Local Government Units (LGUs) bago magbukas ng mga dormitoryo.

PARA SA MGA IN-PERSON GRADUATION

Nabanggit rin na dapat tiyakin ng mga kolehiyo at unibersidad na ang mga mag-aaral na papasok sa face-to-face classes ay nakarehistro sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) o medical insurance na sumasaklaw sa mga gastusing medikal na kaugnay sa COVID-19.

Bukod pa rito, inirerekomenda ng Technical Working Group ng IATF na ang mga mag-aaral na higit sa 21 taong gulang na wala pang pinagkukunan o trabaho ay mag-enrol sa PhilHealth bilang mga indigent na miyembro, at ang mga mas bata ay idineklara bilang mga dependent ng kanilang mga magulang o legal na tagapag-alaga.

Sa kabilang banda, ang mga mag-aaral sa elementarya at hayskul ay maaaring lumahok sa mga face-to-face graduation, o end-of-the-school-year (EOSY) rites, sa Hunyo o Hulyo.

Ang posibilidad ng in-person graduation muling nang maibabalik matapos ang dalawang taon pagkatapos ng pagsuspinde ng mga mass gatherings dahil sa pandemya. Inirerekomenda ng Department of Education (DepEd) na ang mga paaralan sa mga lugar na nasa ibaba ng alert level 1 at 2 ay payagang magsagawa ng limitadong face-to-face EOSY rites, Ayon ito sa anunsyo ni Alma Ruby Torio, Assistant Secretary for Curriculum and Instruction, sa isang virtual press briefing. noong Biyernes.

IKA-27 NG HUNYO AT IKA-4 NG HULYO

Isa sa mga maaring maging plano sa mga gaganapin na graduation ay ang pag pagdiwang nito ng by batch.

Para naman sa mga paaralan sa ibaba ng alert level 3, 4, at 5 ay maaari lamang magsagawa ng seremonya online. Mayroon silang permiso upang ganapin din ito nang live sa pamamagitan ng angkop na social media platform.

Ang National Capital Region at 38 iba pang mga lugar ay nasa alert level 1 na. Dahilan upang bigyan narin ng pahintulot ang mga komersyal na establisyimento na mag 100 percent operate na.

Ayon sa school calendar ng DepEd, inirerekumenda na ang EOSY rites ay gaganapin sa pagitan ng Hunyo 27 at Hulyo 2. Ang mga nasa ilalim ng extended school calendars dahil sa pandemic-related class suspension ay maaaring gawin ito mula ika-4 ng Hulyo hanggang ika-16 ng Hulyo.

GRADUATION RITES

Ang EOSY rites ay para sa mga mag-aaral sa kindergarten, Grade 6, Grade 10, at Grade 12 na nakamit ang mga kinakailangan sa kurikulum, at para sa mga mag-aaral na nakapasa sa portfolio assessment sa Alternative Learning System sa elementarya at junior high school na antas.

Ayon kay Torio, ang recognition rites para sa iba pang grade level ay maaari ding isagawa nang virtually o sa limitadong face-to-face setup.

EXPENSES

Pinaalalahanan ng DepEd ang mga awtoridad ng mga pampublikong paaralan na magsasagawa ng in-person graduation at recognition rites na ang mga magagastos sa mga pagdiriwang na ito ay sisingilin laban sa kanilang budget para sa maintenance at iba pang operating expenses.

Ayon kay Torio, “Walang opisyal o tauhan ng DepEd ang papayagang mangolekta ng anumang uri ng kontribusyon o graduation fee para sa paglipat o pagkumpleto ng mga seremonya at mga seremonya ng pagkilala,”

(“No DepEd official or personnel shall be allowed to collect any kind of contribution or graduation fee for moving up or completion ceremonies and recognition rites,”)

Leave a Reply