By Christian Dee

MAYNILA — Nitong Lunes, Oktubre 31, umakyat na sa 98 ang bilang ng mga nabawian ng buhay matapos ang matinding bagyo ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

58 sa mga nasawi ay kumpirmado na habang ang 40 rito ay inaalam pa.

Bukod dito, mayroon ding mga naapektuhan at nagtamo ng sugat nang nanalasa ang bagyong Paeng.

Mahigit 60 naman ang bilang ng mga nawawala.

Samantala, halos 200 kalsada naman ang nananatiling hindi madaanan buhat ng bagyo.

Sinabi rin ng NDRRMC na umabot sa 1,812,740 katao ang mga naapektuhan ng naturang kalamidad.

Mayroon ding mga naputulan ng suplay ng kuryente matapos ang matinding pag-ulan at pagbaha sa ilang mga lugar.

94 na lugar naman sa bansa ang kasalukuyan nang naibalik ang suplay ng kurtente.

Ayon naman sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng umalos na ang bagyong Paeng sa Philippine Area of Responsibility nitong Lunes ng hapon o gabi.

Leave a Reply