By: Margaret Padilla
Ang Expanded Solo Parents Welfare Law, kung saan ang mga solo parents na kumikita ng minimum wage o mas mababa ay makakatanggap ng buwanang cash aid na P1,000 mula sa kani-kanilang local government units, ay magkakabisa ngayong linggo.
Inihayag ni Rep. LRay Villafuerte na ang Republic Act 11861, na nagsasabi na malapit nang makahanap ng kaluwagan ang mahihirap na solong magulang, ay magkakabisa ngayong buwan.
“Inaasahan namin ang agaran at ganap na pagpapatanggap ng buwanang pensiyon na ito sa mga solo parents na mababa ang kita, kasama ang aplikasyon o pagkakaloob ng iba pang benepisyong nararapat sa kanila at lahat ng iba pang Pilipino na magiisang nagpapalaki ng kanilang mga anak,” aniya.
Ayon sa Philippine Star, nilinaw ni Villafuerte na ang P1,000 buwanang pension ay makakatulong upang matupad ang idineklarang patakaran ng RA 11861 na “promote a just and dynamic social order that ensures the nation’s prosperity and independence and frees the people from poverty.”
“Ang pinalawak na social protection program para sa mga solo parents ay napapanahon, considering that a number of single dads or moms were likely on last year’s bigger list of Filipinos who lived below the poverty line,” sabi ni Villafuerte.
Samantala, nilagdaan ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo at iba pang miyembro ng inter-agency coordination and monitoring committee ng IRR ang implementing rules and regulations (IRR).
Sinabi ni Tulfo na ang batas ay ipapatupad sa huling bahagi ng buwan ng Oktubre kasunod ng paglagda sa IRR.
