By Christian Dee
MAYNILA – Inanunsyo na ng Binibining Pilipinas organization kamakailan ang pinal na mga detalye para sa nalalapit na Binibining Pilipinas 2023.
Sa bagong poster nito, binanggit na gaganapin ang ika-59 coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City, 9:30 p.m. sa Mayo 28.
“The night we have all been waiting for is finally coming,” saad ng Binibining Pilipinas sa kanilang social media post.
“The biggest, the grandest and the most beautiful night of our year is happening on May 28, 2023 at the Smart Araneta Coliseum,” dagdag pa nito.
Bagama’t naibahagi na ang mga detalye ng pagdarausan ng national pageant, hindi pa inaanunsyo ng organisasyon kung kailan maaring makabili ng tickets.
