Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Isang tren ng Philippine National Railways ang nadiskaril nitong Martes ng umaga, Abril 18, sa gawing Don Bosco Crossing sa Makati City papuntang Alabang.

Base sa pahayag ng pamunuan ng PNR, naganap ang insidente bandang alas-11:20 ng umaga pagitan ng Pasay Road at EDSA Stations.

Agad namang huminto ang tren anang PNR.

Wala namang naitalang nasaktan sa 400 na pasahero nito at ligtas na nakababa ng tren.

Mabilis namang umaksyon ang PNR matapos ang pangyayari upang maibalik agad ang byahe mula Tutuban hanggang Alabang, at balikan,

Pahayag ng ahensya, nais nitong maibalik ang operasyon ng tren sa lalong madaling panahon.

Humingi na rin ng pasensya at pang-unawa ang naturang pamunuan dahil sa aberyang nangyari.

Leave a Reply