By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Miyerkoles, Abril 19, naglabas na ng pahayag ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ukol sa mungkahi ng Public Telecommunication Entities (PTEs) na palawigin pa ang deadline para sa SIM Registration.

Ayon sa pahayag ng ahensya, natanggap nito ang hiling ng PTEs na i-extend ang nakatakdang deadline para sa SIM Registration na Abril 26, 2023 ngunit wala pang pagpapalawig sa puntong ito.

Kaya naman muling hinikayat ng DICT ang publiko na magparehistro na ng kanilang SIM cards bago ang nalalapit na deadline.

“However, at this point, there is no extension of SIM registration. With the 26 April 2023 registration deadline drawing near, we encourage everyone to register to promote the responsible use of SIMs and provide law enforcement agencies the necessary tools to crack down on perpetrators who use SIMs for their crimes, consistent with the declared policy of the law,” anang DICT sa pahayag nito.

“Also, the DICT reminds the public that non-registration will result in the deactivation of their SIMs and eSIMs, barring them from receiving and sending calls and text messages and accessing mobile applications and digital wallets,” dagdag pa nito.

Muling ipinaalala ng DICT na inuuna ng SIM Registration Act o Republic Act 11934 ang mga pangunahing karapatan ng mga Pilipino at may pananggalang upang matiyak ang kumpidensyal at seguridad ng mga impormasyon ng gumagamit.

Isang linggo na lamang mula ngayon ang nalalabi bago ang itinakdang deadline.

Leave a Reply