Nagtayo ng Biomolecular laboratory para sa COVID-19 swab tests sa Bukidnon Provincial Medical Center (BPMC), na maaaring magsimula na ng operasyon ngayong buwan ayon sa isang health official.
Sinabi ni Dr. Miguel Antonio Prantilla, BPMC chief of hospital sa Sangguniang Panlalawigan nitong Martes na naghihintay na lang na mapirmahan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng provincial government at ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC), at license to operate mula sa Department of Health (DOH), upang makapagsimula.
Sa pagbubukas nito, makakayang magproseso ng 1,000 samples kada araw ng laboratoryo. Hindi na rin kakailanganin dalhin sa Cagayan de Oro ang mga samples na magmumula sa probinsya.