Pinagpaliban muna ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Physician Licensure Examination na magsisimula ngayong Setyembre 11, 2021. Ito ay dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ang apektado lang sa kanselasyon ay ang mga nasa NCR na kukuha ng exams. Magpapatuloy pa rin ang mga nakatakdang examinations sa Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga City.
“Affected examinees in NCR may take the next succeeding examination without forfeiture of their examination fees,” ayon sa PRC.