Share:

By Margaret Padilla

Muling nakasama ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang R&B singer na si Ne-Yo sa concert nito kahapon, Enero 23, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kung saan muling ginawa ng beauty queen ang kanyang iconic na ‘Lava Walk’.

Matatandaang nagkasama ang dalawa nang ipamalas ng Miss Universe 2018 Top 3 ang kanilang final look habang ang naturang singer naman ay nag-perform ng kanyang isa sa mga sikat na kanta na “Miss Independent” para haranahin ang mga umabante sa pageant.

Ang pagtatanghal ng mang-aawit ay sinimulan sa pamamagitan ng kantang kanyang inawit sa Miss Universe stage noong 2018 sa Thailand, kung saan kinoronahan si Gray bilang Miss Universe 2018.

Si Gray, na nasa audience, ay napunta sa entablado sa panahon ng isa sa mga kanta ni Ne-Yo. Nang pumili si Ne-Yo ng audience member para kanyang haranahin, hindi niya napansin na si Gray pala ang kanyang nakaharap sa entablado.

Tinanong ni Ne-Yo si Gray, “What’s your name?” 

Naging maingay ang mga manonood sa pag-asam para sa isang posibleng “Lava Walk” reenactment.

“My name is Catriona and I actually walked with you in Thailand,” ang sagot ng beauty queen. 

Hindi makapaniwala si Ne-Yo na muli silang magtatagpo kaya tanong ng singer sa beauty queen, “Are you real?” 

Kasunod ng isang yakap, sinenyasan siya ni Ne-Yo na sumali sa sayaw. 

Sa tuwa ng mga manonood, muling ginawa ni Gray ang kanyang signature walk na ‘Lava Walk’ habang kumakanta si Ne-Yo.

Leave a Reply