By: Margaret Padilla

Binali ni Taylor Swift ang rekord sa pagiging unang artist na may mga kantang humawak ng lahat ng sampung pwesto sa Top 10 ng Billboard Hot 100 chart, inihayag ng Billboard sa Twitter noong Martes.

“@taylorswift13 scores one of the most historic weeks in @billboardcharts history, as she becomes the first artist to claim the #Hot100’s entire top 10 in a single week,” sabi ng Billboard.

Kasunod nito, ipinahayag ng American singer-songwriter ang kanyang kasiyahan sa tagumpay ng kanyang album sa isang tweet.

Sumulat si Taylor sa Twitter noong Lunes, “10 out of 10 on the Hot 100??? On my 10th album??? I AM IN SHAMBLES.”

Ayon sa GMA News, ang ika-sampung album ni Taylor Swift na “Midnights,” ay nanguna sa Billboard Hot 100, at siya ang naging unang singer na nakagawa nito sa 64-taong kasaysayan ng chart.

Ang “Anti-Hero” ay ang nangungunang kanta sa Hot 100, na sinusundan ng “Lavender Haze,” “Maroon,” “Snow on the Beach,” “Midnight Rain,” “Bejeweled,” “Question…?,” ” You’re on Your Own, Kid,” “Karma,” at “Vigilante S**t.”

Noong nakaraang Oktubre 21, inilunsad ni Taylor ang “Midnights,” ang kanyang unang album mula noong “Folklore” at “Evermore” noong 2020.

Samantala, kung maaalala, inanunsyo ng Spotify sa isang tweet ilang linggo na ang nakararaan na nagtakda si Taylor Swift ng bagong Spotify record para sa pinakana-stream na album sa isang araw.

“And before the clock could even strike midnight on October 22nd, Taylor Swift broke the record for the most-streamed album in a single day in Spotify history. Congratulations, @taylorswift13,” ang pahayag ng Spotify. (Photo: Official Twitter page of Taylor Swift)

Leave a Reply