By Frances Pio
–
Dumanas ang Phoenix Suns ng malalang pagkatalo, 125-114, laban sa New Orleans Pelicans. Tabla na ang seryes 1-1 sa Western conference first round playoffs noong Martes.
Nagpakita si Devin Booker ng top-seed Suns ng mahusay na performance sa ikalawang laro. Umiskor siya ng 31 puntos sa first-half, ngunit ang hamstring injury sa simula ng second-half ay nagpahinto sa kanya.
Nanguna ang Pelicans sa laro sa 77-74, na may 4:45 pa sa ikatlong quarter, nang kinailangang i-subbed out si Booker.
Gumawa naman ang small forward ng New Orleans na si Brandon Ingram ng triple-double nang umiskor siya ng 37 puntos, kumuha ng 11 rebounds at gumawa ng siyam na assist.
Nagdagdag si Pelicans guard CJ McCollum ng 23 points sa away win, nag-ambag din ng siyam na assists at humakot ng walong rebounds.
Bilang karagdagan kay Booker, umiskor si Mikal Bridges ng Suns ng 19 puntos, at ang beteranong point guard ng koponan na si Chris Paul ay nagtala ng 17 puntos at 14 na assist.
Ang Game 3 ay sa home court ng New Orleans na Smoothie King Center sa Biyernes.
