Share:

By Frances Pio

––

Tumaas pa ang positivity rate ng bansa sa 7.4 porsyento, iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Ang bilang ay mas mataas kaysa sa 6.8-percent positivity rate na inihayag ng DOH noong Martes.

“The national positivity rate has increased to 7.4 percent, similar to the rates that we’ve had in the late February of this year,” sinabi  ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum.

Lumampas ang positivity rate sa threshold ng World Health Organization na mas mababa sa 5 porsyento.

Mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 6, nakapagtala ang bansa ng 8,248 kaso ng COVID-19, na may average na 1,178 na bagong impeksyon kada araw.

Karamihan sa mga kaso, o higit sa 550 impeksyon kada araw, ay naitala sa Metro Manila, ani Vergeire.

Habang naitala ang malaki na pagtaas din sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas, ang mga kaso ay mas mababa sa 250 kaso bawat araw.

Ang Mindanao, samantala, ay nagkaroon ng bahagyang pagtaas noong kalagitnaan ng Hunyo at kasalukuyang nasa plateau na may humigit-kumulang 50 kaso araw-araw.

COVID-19 positivity rate umangat sa 7.4 porsyento

Ayon kay Vergeire, ang paglaki ng mga kaso ng COVID-19 ay nakita sa mild impeksyon. Gayunpaman, ang mga malubha at kritikal na kaso ay mababa pa rin at nagpakita pa nga ng pagbaba nitong mga nakaraang araw.

Leave a Reply