By Jude Sagun
––
‘Have a little humanity,’ ‘yan ang pakiusap ni Ella Cruz sa mga netizen na patuloy pa rin ang pamba-bash sa kanya matapos sabihin ng aktres na ang kasaysayan ay tsisimis lamang.
Sa screenshot na kanyang ibinahagi sa social media, makikita ang post ng nagngangalang Nathaniel, na anya’y tinuro ng ama ni Ella na “‘wag maging masyadong matalino sa school.”

Tugon ni Ella, “Bash me all you want PERO WAG NIYONG IDADAMAY PAMILYA KO.”

Isa pang screenshot ang kumakalat na mula umano sa Tatay ni Ella Cruz, kung saan sinabi nito na tama lang ang pagpapalaki niya sa anak niya na ‘wag maging matalino sa school’ kumpara anya sa ‘mataba ang utak, mahirap naman paliwanagan.’
Sa ngayon, hindi na ito nakikita sa account ng Tatay ni Ella.
Una nang ibinahagi ni Ella Cruz ang Kauna-unahang patikim sa pelikulang kinabibilangan niya na Maid in Malacañang. Nakatakda na itong ipalabas sa Agosto 3.
Matatandaan na nito lamang linggo nang umugong ang pangalan ni Ella Cruz dahil sa nasabing pahayag.
Maging ang mga celebrity, hindi rin napigilang sitahin ang Viva star sa kanyang sinabi. Isa na ang dati niyang co-star na si Pokwang na sinabing ‘Maling-mali’ ang pananaw nito sa history.
Ang batikang kolumnista na si Lolit Solis, tinawag pa si Ella na ‘walang kakwenta-kwentang starlet’ at ‘Bobita.’
Tila patuloy naman na nainis ang mga netizen sa panawagan ni Ella na magpakatao, anya, maging ang aktres ay hindi nagpapakatao sa mga naging biktima ng martial law.

Maging ang historian na si prof. Xiao Chua, bumwelta sa panawagan ng aktres.
“Humihingi kayo ng humanity pero ‘yung mga kakampi niyo ang walang humanity sa amin. Ganyan talaga ngayon Sawa na ako sa call for sobriety,”pag inaway ka, awayin mo,”
“Naaawa din ako sa sarili ko dahil sa sinasabi tungkol sa akin na hindi makatuwiran pero walang panahon para magdrama dahil labanan ito. Tapos ngayon humanity ang hingian, sabihin mo sa mga kakampi mo, mauna kayo.” Saad ni Chua.