Share:

By Frances Pio

––

Iniimbestigahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang Filipino noodle brand na sinasabing naglalaman ng “high level of ethylene oxide.”

Naglabas ang mga Pamahalaan ng Ireland, France, at Malta ng mga babala sa kaligtasan laban sa brand ng noodle na Lucky Me, na pinapayuhan ang kanilang mga mamamayan na huwag kumain nito dahil sa kemikal.

Ayon sa website ng National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH), ang ethylene oxide ay isang volatile na gas na may matamis na amoy na maaaring magdulot ng pananakit ng ulo, pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, kahirapan sa paghinga, pag-kaantok, panghihina, pagkahapo, pagkasunog ng mata at balat, frostbite, pati na rin ang mga reproductive effect.

Maraming industriya ang gumagamit ng ethylene oxide upang gumawa ng ethylene glycol, isang bahagi ng antifreeze at polyester, o, sa mas maliliit na halaga, upang gumawa ng mga pesticide at sterilizer.

“Ito po ay tinitignan na ngayon ng Food and Drug Administration, ito pong type nitong pagkain na ito na atin pong pinapa-hold muna because of apparently — apparent pa lang po ito dahil it is under investigation. Kailangan pa ho natin ive-verify ‘yan base po sa gagawing proseso ng ating Food and Drug Administration,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“We just want to be very sure kaya po tayo ay nagmo-monitor ng ganito and it is a very good thing that our surveillance, processes, and systems are in place because nakita po natin ito, na-detect, and we are able to stop our kababayan na ma-consume itong mga produkto na ito,” dagdag pa niya.

Leave a Reply