Share:

Ayon sa Department of Transportation, kakailanganin ng mas maraming bilang ng tren na patatakbuhin sa mga susunod na araw upang magkaroon ng Social Distancing sa loob ng mga bagon.

Kitang kita ang kakulangan ng bagon sa bawat linya ng riles ng Metro Rail Transit sa unang araw ng General Community Quarantine (GCQ) noong Lunes, Hunyo 1.

Simula sa 15 sets of Train noon ay dapat pang magdagdag ng 4 na sets of train para sa Social Distancing for GCQ na nagsimula nitong Hunyo 2, Martes.

Kinakailangang may Physical Distancing upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus, mayroon lamang 153 na pasahero kada tren na makakasakay base sa direktor ng Train management.

Ito ay halos 13% sa 1,182 na kapasidad ng tren noong bago mag-ECQ.

Leave a Reply