By: Margaret Padilla

Dahil sa positibong pag-tugon ng mga mamimili ng Puregold, isang chain ng mga supermarket na nagbebenta ng parehong wholesale at retail consumer goods sa buong Pilipinas, sa kampanya nitong “No Plastic Use,” mas pinalawig pa ang pagpapatupad nito sa buong bansa.

Naging matagumpay ang kampanyang “No Plastic Use”, ayon sa ulat ng Philippine Star. Mahigit 110,000 single-use plastic bags ang inalis ng Puregold sa unang buwan ng operasyon nito sa NCR outlets nito.

Bilang tugon, pinalawak ng supermarket chain ang bilang ng mga araw na sinasaklaw nito sa kampanya nitong “No Plastic Use” sa dalawa: Lunes at Miyerkules.

“We are now expanding Puregold’s ‘No Plastic Use’ nationwide, and extending this to include Mondays and Wednesdays starting September 26, as we continue to work on operating more sustainably,” ang pahayag ni Vincent Co, ang pangulo ng Puregold.

Ang kampanya, na naglalayong isulong ang kamalayan ng publiko sa mga panganib na dulot ng plastik sa kapaligiran, ay inilunsad noong Hulyo 2022. Sa simula, ay inilapat lamang ito sa mga retailer ng Puregold sa National Capital Region at tuwing Lunes lamang.

Bukod pa rito, nagbabayad ang supermarket chain ng P1 cashback sa mga miyembro ng Tindahan Ni Aling Puring at Perks isang beses sa isang linggo para sa bawat eco bag na kanilang ginagamit.

Ayon sa Philippine Daily Inquirer, layunin ng Puregold na bawasan ang paggamit ng mga plastic bag at turuan ang mga mamimili tungkol sa mga panganib sa kapaligiran na idinudulot ng single-use plastics, lalo na ang mga single-use at disposable.

Inaasahan ng Puregold na sa pagpapatupad ng mga pagbabagong ito, bababa ng karagdagang 30% ang kanilang mga binili na plastic bag kumpara noong nakaraang taon.

Samantala, noong Setyembre, muling inilunsad ng Puregold ang kanilang recycling program. Dito, inanyayahan ng Puregold ang mga mamimili na ipagpalit ang kanilang mga recyclable na basura para sa mga kinakailangang grocery products sa mga partikular na branches ng Puregold.

Leave a Reply