Share:

By Frances Pio

––

Nakatakdang makatanggap ang dalawang Butuanon na nanalo ng medalya sa 31st South East Asian Games sa Hanoi, Vietnam ng cash reward mula sa pamahalaang lungsod.

Binati ng mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Butuan City Mayor Ronnie Vicente C. Lagnada sina Dave Cea at Breanna Labadan para sa kanilang podium finishes sa biennial games sa pagitan ng 11 bansa.

Si Cea, residente ng Barangay Tagabaca sa Lungsod ng Butuan ay nasungkit ang silver medal sa taekwondo men’s kyorugi (74 kilo), habang si Labadan, residente ng Barangay Tandang Sora ay nag-uwi ng bronze medal sa rhythmic even sa gymnastics.

Para sa kanyang silver finish, si Cea ay gagantimpalaan ng P70,000 habang si Labadan ay makakakuha ng P50,000 para sa kanyang bronze finish base sa ilalim ng city ordinance.

Tiniyak na maipasa ang SP Ordinance No. 6169-2020 upang kilalanin ang mga nagawa ng mga atleta mula sa Butuan at kasabay nito ay naglalayong himukin ang mas maraming atleta mula sa lungsod na maging mahusay sa kani-kanilang mga sports event.

“Butuan City is proud of the success of its athletes during the 31st SEA Games in Vietnam,” sinabi ng City Information Office

“Bringing the name of Butuan, we are very proud of the success of our athletes,” ika ni Butuan City Mayor Lagnada sa kanyang hiwalay na pahayag.

Leave a Reply