Share:

By: Margaret Padilla

Ipinahayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na, anuman ang alert level sa COVID-19, ang mga face-to-face classes sa paaralan ay ganap na ipapatupad; kaya, ang mga in-person classes ay inaasahang magpapatuloy pagkaraan ng 4 na buwan.

“The general policy of DepEd on this is regardless of the alert level, we will move or go on with the face-to-face classes,” ang pahayag ni Deped Usec. Epimaco Densing III sa isang press conference noong Martes, ayon sa CNN Philippines.

Sinabi rin niya na ang lahat ng mga mag-aaral ay nararapat sumunod sa utos at dapat na himukin ang mga magulang na tiyakin na ang kanilang mga anak ay pumapasok sa paaralan.

May mga academic groups tulad ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines na nagpahayag ng pagkabahala na ang mga paaralan ay dapat magkaroon ng flexibility sa pagbubukas ng 100 porsyento ng mga in-person classes, hybrid classes, o kahit na buong online classes.

Academic groups such as the Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines expressed concern that schools should have more flexibility in holding 100 percent in-person classes, hybrid classes, or even full online classes.

“We’re trying to do some education or learning recovery again; so, now, is the time for us to do face-to-face,” ayon sa undersecretary. 

Sinabi rin ni Densing na sinusubukan ng gobyerno ang “education recovery” bilang resulta ng pandemya ng COVID-19, na pumigil sa mga mag-aaral na pumasok sa paaralan sa nakalipas na dalawang taon.

“This is the right time for us to undertake the face-to-face (classes) and based on the department order, the policy is that regardless of the alert level status of the local government unit everybody has to go face-to-face by November 2,” paliwanag pa niya. 

Bagama’t ito ang pangkalahatang patakaran, nilinaw ni Densing na susundin pa rin nila ang desisyon ng mga health officials na suspindihin ang mga in-person classes sa mga partikular na lugar dahil sa dumaraming impeksyon sa COVID-19.

“However, if the IATF decides to lock down a specific local government unit; or recommends or approves that certain classes in a specific region return to distance learning, Deped will give in and follow. So, let’s take a look at that on a case-by-case basis,” aniya. 

Leave a Reply