By Christian Dee
MAYNILA – Pinagtutuunan ng pansin ng Department of Education (DepEd) ang mga alegasyon ukol sa mga laptop na galing sa ahensya at ipinagbibili sa isang surplus shop sa Mandaue City sa Cebu.
Ayon sa tagapagsalita ng DepEd na si Michael Poa, nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang tanggapang panrehiyon sa nasabing isyu.
Ani Poa, tinitingnan nito kung mayroong kulang sa mga imbentaryo.
Sinusuri din nito kung sino ang mananagot sakaling mapatunayang ibinenta ang mga laptop na pag-aari ng ahensya.
“Depends kung ang liable is an employee of DepEd or the supplier itself,” aniya.
Matatandaan ding na-flag ng Commission on Audit sa 2021 audit report nito sa DepEd ang mga mamahaling laptop at sobrang bagal pa dahil luma na ang processor ng mga ito.
(Photo Courtesy of Inquirer.net)
