By Jude Sagun

MANILA, Philippines — Trending nitong Lunes ang matinding kissing scene nina Janella Salvador at Joshua Garcia sa episode ng action-drama series na ‘Darna.’ 

Surpresa sa mga netizen ang kissing scene ng dalawa, kung saan binansagan pa si Joshua na ‘Higop King.’ Hindi kasi akalain ng fans ang level up na kissing scene nito.

Ani @popoy__gonzales, the 1st lips to lips scene of joshnella. unexpected! 

Para naman kay @zarrlastimosa, Hoyyyy ba’t may ganito naaaa. #DarnaVsBorgo #JoshNella, Joshua and Janella stepped up this time. Did not expect this.

Sa naturang episode, dinalaw si Regina/Valentina Vanguardia ng impostor ni Brian Robles na isang ekstra mula sa salamin, habang ang totoong Brian ay ikinulong sa isang abandonadong gusali. Walang kaalam-alam ang karakter ni Janella na isa na lamang impostor ang Brian na nanliligaw sa kanya. 

Hindi ito ang unang ‘kissing scene’ ng dalawa sa serye, una nang hinalikan ng karakter ni Janella ang totoong Brian dulot ng kalasingan. 

Inaabangan na ngayon ng fans ang mas tumindig kaganapan sa kwento ng ‘Darna,’ ngayong malapit nang magtuos sina Valentina at Darna, na ginagampanan naman ni Jane De Leon. 

Photo Courtesy of ABS CBN Entertainment
Photo Courtesy of ABS CBN Entertainment

Leave a Reply