By Christian Dee
MAYNILA – Nitong Lunes, Enero 16, sinabi ng Department of Information and Communications Technology na umabot na sa mahigit 20 milyon ang bilang ng mga nakapagparehistro na ng kanilang SIM Card.
Ang naitalang datos ay naitala magmula noong nag-umpisa ang pagpaparehistro ng SIM Card sa ilalim ng SIM Registration Law noong Disyembre.
12.16 porsyento na, ayon sa pahayag ng ahensya, ang bilang ng mga nagparehistro na ng kanilang SIM Card o may kabuuang bilang na 20,551,294 na SIM mula sa mahigit 168 milyong subscribers.
10,041,791 SIMs na ang naitalang bilang ng mga nakapagparehistro na sa Smart Communications, 8,764,568 SIMs naman sa Globe Telecom, habang 1,744,935 SIMs naman sa DITO Telecommunity.
“SIM Registration is being implemented in conjunction with the Data Privacy Act. Encryption of data is mandatory. Under the law, PTEs must ensure that data of end-users are secured, encrypted, and protected at all times,” ani DICT Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo.
Samantala, pinaalalahanan naman ng ahensya ang publiko na batay sa batas ang deadline ng pagpaparehistro, Abril 26, at walang paggalaw na ginawa dito.