By Christian Dee

MAYNILA – Kumpirmado na nitong Miyerkoles, Abril 19, na itinalaga na si Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban bilang officer-in-charge ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Ito ay matapos bumaba mula sa puwesto ni dating SRA administrator David John Thaddeus Alba noong nakaraang buwan.

“In the meantime, Usec. Panganiban is the OIC,” anang SRA Board Member Pablo Luis Azcona sa isang panayam sa Zoom.

“As per SRA charter, in the event that there is no administrator, the chairman of the board takes over as the OIC until an administrator is appointed or the board assigns another OIC usually the most senior deputy administrator,” dagdag pa ni Azcona.

Marso 24 nang binitiwan ni Alba ang posisyon sa kadahilanang lumalala umanong kondisyon ng kanyang kalusugan.

Giit ni Alba, ang kanyang pagbitiw sa posisyon ay dahil lamang sa kanyang kalusugan at walang kinalaman ang kontrobersyal na pag-import ng 400,000 metric tons na asukal.

Noong nakaraang Sabado, Abril 15, lamang naging epektibo ang kanyang pagbaba sa puwesto.

Samantala, si Panganiban naman ang maghahawak ng posisyon hanggang sa magtalaga ng bagong administrator.

Leave a Reply