By: Margaret Padilla

Sa pagdiriwang ng #FilipinoAmericanHistoryMonth, itinampok ng Walt Disney Company, na kilala rin bilang Disney, sa Instagram at Facebook sites nito noong Sabado ang recipe ng sikat at paboritong ulam ng mga Pilipino, ang chicken adobo.

Iniulat ng Manila Bulletin sa isang artikulo na ang Oktubre ay idineklara na Filipino American History Month sa Estados Unidos, na nagpaparangal sa kasaysayan, tradisyon, kultura, at mga tagumpay ng mga Pilipinong Amerikano.

“It commemorates the earliest known presence of Filipinos in the continental United States,” pahayag ng ABC. 

Ang Disney ay nakikibahagi din sa pagdiriwang at mga kasiyahan. Ang global media at entertainment firm ay nakiisa sa #FilipinoAmericanHistoryMonth sa pamamagitan ng pagtatampok ng isang tradisyonal na lutuing Filipino.

Samantala, ang artwork sa nasabing post ng Disney ay ginawa ni Bianca Austria, isang Filipino illustrator na nakakuha ng summa cum laude mula sa California State University.

“This has been in the works for a few weeks now and I’m so excited to finally share [it]with you all! For Filipino American History Month, I had the honor of working with Disney to bring to life an illustrated chicken adobo recipe. It is now live on their feed but obviously had to post [it] on my page for you all!” buong pagmamalaking kwento ni Austria sa kanyang Instagram account.

Nagpasalamat ang Filipina artist sa Choreus at Disney teams sa pag-imbita sa kanya na magtrabaho sa kanila. “Although this project was short and sweet, it’s definitely one for the books,” dagdag pa niya.

Leave a Reply