By Christian Dee
MAYNILA – Nitong Lunes, nahulihan ng mga awtoridad ang isang dayuhan ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P20 milyon sa Las Piñas City.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal drugs sa Barangay Pamplona Uno sa nasabing lungsod.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek sa kasalukuyan.
Ayon sa NBI, ang operasyon ay nagmula sa isang intelligence report kung saan lumabas ang isang suitcase at backpack na may lamang mahigit tatlong kilong iligal na droga.
Nakumpiska rin ng pulisya ang P100,000, ilang mga dokumento at mga cellphones bukod sa hinihinalang shabu.
Haharap naman sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
