Share:


By: Margaret Padilla

––

Muling tumaas ang bilang ng mga taong nagpositibo sa Coronavirus infections. Ayon sa datos ng Department of Health, tumaas ng 82% ang bilang ng mga kaso sa pagitan ng Hunyo 13 at Hunyo 19.

Gayunpaman, maiiwasan ito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nang tanungin kung makakaranas ng panibagong Omicron surge ang bansa. “Hindi natin ito masasabi sa ngayon nang may katiyakan. Masasabi natin sa ngayon na mapipigilan natin ito.”

Ayon sa Philippine Daily Inquirer, hindi naalarma ang DOH, sa kabila ng katotohanang tumaas ang bilang ng mga taong nagpositibo sa Covid-19 sa Metro Manila at limang probinsiya sa 5% threshold ng WHO.

Samantala, sinabi ni Dr. John Wong ng Epimetrics sa Rappler na masyado pang maaga para mahulaan kung kailan ang peak.

“We’re definitely at the start of a new surge. It’s too early to say when the peak will be. Over the past few months, when cases were low, I’ve always said publicly that, without higher vaccination rates, we’re just in between surges. So, this is it,” anya.

Ang Epimetrics ay isang public health research organization na tumutulong sa pamahalaan sa pag-unawa sa pandemya.

Iniulat ng DOH ang 3,051 na infections sa lingguhang bulletin ng kaso ng COVID-19, na inilabas noong Lunes, Hunyo 20. Umabot ito sa 436 na kaso bawat araw.

Gayunpaman, ang Pilipinas sa kabuuan ay patuloy na itinuturing na isang low-risk na kaso.

Ito ay kapansin-pansing pagtaas mula sa 1,682 kaso na naitala sa pagitan ng Hunyo 6 at 12, na may average na 240 kaso bawat araw.

Bukod dito, iniulat rin ng Rappler na ang isang pagbabadya ng bagong surge ng mga Covid-19 cases ay maaaring maka apekto sa mga balakin at plano ng Department of Education na gawing posible na lahat ng mga paaralan sa buong bansa ay nasa in person classes na.

Leave a Reply